Alden Richards, isang passionate Mobile Legends player

  • Isang passionate Mobile Legends player si Kapuso actor Alden Richards
  • Nagpunta si Alden Richards sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2019
  • Nilibre pa ng other half ng AlDub ang kanyang mga kaibigan at mga kalaro niya sa ML

Paano kung bigla mo na lang makalaro sa isang Mobile Legends game ang other half ng sikat na tambalang AlDub?

Ang Kapuso actor kasi na si Alden Richards, hindi lang pala in love sa pag-arte; isa rin pala siyang passionate player ng Mobile Legends.

Dahil sa pagmamahal niya sa esport, nagawang isingit ng popular actor sa kanyang schedule ang pagpunta sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2019 na ginanap kamakailan.

Sa iba’t ibang social networking sites, masayang ibinahagi ng mga fans ni Alden ang ilang larawan at video mula sa nasabing big event.

“@aldenrichards02 spotted at the Big Dome for the Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup,” saad ni @flo_renz13; na isinama rin niya ang sa hashtags na #WhereLegendsAreBorn, #MobileLegendsBangBang, at iba pa.

Screen capture via Instagram

At dahil naging masaya siya sa panonood ng nasabing tournament, inilibre pa niya ang ilan sa mga kapwa niya manlalaro ng Mobile Legends.

Samantala, noong nakaraang taon, inilunsad ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) ang first-ever street battle nito sa Philipinas.

Kuwento niya matagal na siyang naglalaro ng nasabing mobile game.

“I started playing when the game started here in the Philippines,” ani Alden.

Panoorin ang ilang moments ni Alden habang masayang nanonood ng isang Mobile Legends game sa “Big Dome”:

Source :

YouTube