Vic: Ipinagbawal ang pagbebenta ng biko habang nangangampanya si Vico

Ipinagbawal nga ba ang pagtitinda ng biko sa mga palengke ng Pasig City sa kalagitnaan ng kampanya ni Mayor-elect Vico Sotto?

Sa isang eksklusibong panayam kay ABS-CBN News reporter Mario Dumawal, ibinahagi ng batikang komedyanteng si Vic Sotto ang mga pinagdaanan ng anak niya habang tumatakbong alkalde.

“Alam mo ‘pinagbawal ang pagbebenta ng biko. Gano’n ka-petty, akala ko joke lang. Hindi! Totoo!” aniya.

“Pag-upo ni Vico, makakakain na ulit ng biko. Puwede na ulit magbenta ng biko sa Pasig,” natatawang sabi ni Vic.

Image via Instagram

Kuwento ng isang tindera, “Bawal ‘yong biko dahil ‘yong time na ‘yon na malakas ‘yong name niya as Vico, so pati sa food na biko, ‘yon na ‘yong kasabihan.”

Sa kabilang banda, ayon sa Pasig City Public Information Office, walang opisyal na utos na nagbabawal sa pagtitinda ng nasabing kakanin sa palengke.

Kamakailan ay tinapos ni Vico, 29, ang 27 taon na pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City.

“Maraming salamat. Sa lahat ng nagbigay ng tiwala, sa mga bumoto, at sa mga nakiisa sa ating laban, maraming, maraming salamat,” aniya.

Sulit daw lahat ng pinagdaanan nila sa kampanya.

“Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig. Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago!” wika niya.

Image via Instagram

Panoorin ang buong panayam ng ABS-CBN News kay Vic Sotto; kung saan ibinahagi ng komedyante kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng kanyang anak sa pagtakbo nito bilang alkalde ng Pasig City at kung paano nito naging sandigan ang madasaling ina na si Coney Reyes: