Throwback photos ng mga ‘bagong sibol na pinuno ng bayan’ na sina Isko at Vico, kinagiliwan

Kinagiliwan ng marami ang throwback pictures ng mga tinaguriang “giant slayer” ng 2019 election na sina Isko Moreno (elected mayor ng Manila City) at Vico Sotto (elected mayor ng Pasig City).

Sa Facebook page na Alaala ng mga Larawang Kupas, ibinahagi ng member na si Joel C. Buñag ang isang collage ng “then and now” photos nina Isko at Vico.

“Ang mga bagong sibol na pinuno ng bayan. The new mayors!” aniya.

Marami ang nag-iwan ng komento sa nasabing post. Marami rin ang humiling na sana ay mapabuti ang kanya-kanyang lungsod na paglilingkuran nila.

“Congratulations, Isko at Vico, at sa lahat ng bagong halal na millennials. Pagpalain po kayo ng Maykapal at ipagdarasal po namin na gabayan ng Panginoon sa inyong paglilingkod. Maging matapat sa inyong tungkulin at maging mapagmahal sa bayan. Salamat po sa inyong mga bagong halal,” ani EL.

“That’s what our country needs, young leaders with fresh minds and ideals,” komento ni AL.

“Sana magtagumpay kayo sa inyong mga tungkulin para sa ikauunlad ng ating bayan. Sa gabay ng ating Panginoon, mabuhay po kayo,” sabi naman ni AB.

Isko Moreno

Si Isko ang tumalo sa ilang taong alkalde ng Maynila at dating pangulo na si Joseph Estrada.

“Ito na ang panahon para tayong mga Batang Maynila ay magtulungan at magkaisa tungo sa ating pangarap para maiangat ang antas ng pamumuhay sa Lungsod ng Maynila,” aniya.

“Makakaasa po kayo sa amin ni Vice Mayor Honey Lacuna na pagbubutihin namin ang aming trabaho upang makamit natin ang pag-asenso ng bawat Manileño,” dagdag niya.

Image via Isko Moreno’s Twitter account

Vico Sotto

Samantala, si Vico, anak ng komedyanteng si Vic Sotto at ng aktres na si Coney Reyes, ang 29-year-old na tumapos sa 27 taon na pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City.

“Maraming salamat. Sa lahat ng nagbigay ng tiwala, sa mga bumoto, at sa mga nakiisa sa ating laban, maraming, maraming salamat,” aniya.

Sulit daw lahat ng pinagdaanan nila sa kampanya.

“Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig. Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago!” wika niya.

Image via Instagram