Pinakamabilis na bullet train sa buong mundo nagsagawa na ng test run sa Japan

Nagsagawa na kamakailan lang ng test runs ang world’s fastest bullet train in the world na ang bilis ay aabot hanggang 400 kilometro kada oras.

Hanggang 360 kilometro kada oras ang gagamiting bilis nito kapag may pasahero.

Noong nakaraang Biyernes, ika-10 ng Mayo, ay inihayag ng East Japan Railway Co. ang next-generation Alfa-X train na ang full operation ay inaasahang masisimulan sa taong 2030. Ang tren ay gawa ng Kawasaki Heavy Industries at Hitachi.

Isasailalim ang Alfa-X train sa tatlong taon na test runs.

Ayon sa Engadget, gagawin ang test runs tuwing makalipas ang hatinggabi, dalawang beses sa isang linggo, sa railroad tracks sa pagitan ng mga lungsod ng Aomori at Sendai.

Screenshot mula sa video ng Tobirabito

Upang makayanan ang matuling takbo nito, ang Alfa-X train ay may 72-foot-long aerodynamics nose na idinesenyo para kayanin ang wind pressure at bawasan ang ingay na nililikha ng tren lalo na kapag dumadaan sa tunnel.

Ang mabilis na bullet train, na may sampung bagon na kulay silver at green stripes, ay may roof-mounted air brakes at magnetic plates sa ilalim nito para sa pagpreno.

“The development of the next-generation shinkansen is based on the key concepts of superior performance, a high level of comfort, a superior operating environment and innovative maintenance,” ayon sa opisyal na pahayag ng East Japan Railway Co., na mas kilala sa tawag na JR East.

Bagama’t hawak ngayon ng Alfa-X train ang titulo ng pinakamabilis na bullet train sa buong mundo, ang titulong iyon ay nakatakdang maagaw bago pa man ito magsimula ng full operation sa 2030.

Ito ay dahil sa maglev (magnetic levitation) train na kasalukuyang ginagawa para sa rutang Tokyo-Nagoya na nakatakdang mag-operate sa 2027. Ang top speed ng maglev train ay aabot sa 505 kilometro kada oras.