Kris, pinalabas sa sinehan matapos isama si Bimby sa panonood ng R-13 movie na “Kuwaresma”

Tanggap ni Kris Aquino ang kaniyang pagkakamali matapos silang palabasin sa sinehan dahil sa tangkang pagsama sa anak na si Bimby sa panonood ng R-13 movie na “Kuwaresma.”

Sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, May 17, ibinahagi ni Kris ang plano sana nilang panonood ng kauna-unahang horror film ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Imahe mula kay @krisaquino | Instagram

“You know how some people can get away with like literally big crimes and they get a free pass, and some people like yours truly attempt to bend the rules just a teeny tiny bit and automatically get caught,” sabi niya sa unang parte ng post.

Sinamahan si Kris ng ilan sa kaniyang staff para panoorin ang pelikulang “Kuwaresma” sa schedule na 7:55 ng gabi sa Ayala Mall cinema.

Kasabay nito ay sinubukan rin nilang ipuslit si Bimby sa loob ng sinehan dahil matangkad naman ang bata para sa edad nito.

Imahe mula kay @krisaquino | Instagram

“Since Bimb is so tall, Rochelle said hindi na mapapansin and Bimb and I really wanted to watch @reallysharoncuneta’s movie,” ayon kay Kris.

Kuwento pa ng Queen of All Media, makalipas ang halos 30 minuto ng panonood ay nilapitan sila ng mga staff ng sinehan. Humingi ang mga ito ng paumanhin dahil kinakailangan nilang palabasin sina Kris at kaniyang mga kasama dahil sa nagawang pagkakamali.

“Unfortunately we’re ‘famous’ and a lot of people know Bimb is only 12 and they didn’t want to get in trouble with the MTRCB,” ayon sa kaniya.

“No excuses, mali kami for trying na ipuslit si bimb – but the reality is in a few months time he’ll be able to watch Kuwaresma through Video on Demand,” pag-amin ni Kris.

Imahe mula kay @krisaquino | Instagram

Dagdag pa niya, “Excited lang kami to support sa theatrical run @reallysharoncuneta’s first horror film. But this Mama has learned her lesson, R13 movies showing in cinemas will wait until April 19, 2020.”

Bagama’t sandali lang sila sa loob ng sinehan, pinuri naman ni Kris ang pelikula sa matagumpay na pagdadala nito sa mga manonood sa nakaraan dahil sa makalumang cinematography at musical scoring.

Ayon pa sa kaniya, dalang-dala nina John Arcilla, Sharon Cuneta, at Kent Gonzales ang kanilang mga karakter sa pelikula kaya naman hindi na siya makapaghintay na mapanood ito kasama ang anak.

Source :

Facebook