Ex-PBB teen housemate Kit, nilinaw ang tunay na relasyon niya kay Pia

Nilinaw ng dating Pinoy Big Brother (PBB) teen housemate na si Kit Thompson ang tunay na relasyon niya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, ibinahagi ni Kit ang totoong dahilan kung bakit malapit sila sa isa’t isa ng actress-beauty queen.

Image via Tonight With Boy Abunda

Wika ng aktor, hindi kailanman naging sila ni Pia at purong pagkakaibigan lamang ang namamagitan sa kanilang dalawa.

“She helped me a lot. Both of them, actually; si Harley, si Pia. Si Harley is commercial agent ko. Even though we’re managed by different people, we still help each other, you know. Nagha-hang out lang kami one time, then suddenly we just kept hanging out more,” aniya.

[Malaki ang naitulong niya sa akin. Silang dalawa ni Harley, sa katunayan. Si Harley ang commercial agent ko. Kahit magkaibang tao ang nagma-manage sa amin, tinutulungan pa rin namin ang isa’t isa, alam mo ‘yon. Nag-hang out lang kami isang beses tapos bigla na lang napadalas ang pag-alis namin nang magkakasama.]

Image via Instagram

Ani Kit, tinatawag nila ang sarili nila na “the lucky ones” dahil sa kinahinatnan ng paglalakbay nila.

“Kasi dati wala pa kami sa New York. Si Pia, nagre-ready pa lang lumaban for Miss Philippines. Kasi kung manalo siya, pupunta siyang New York. Ako rin, gusto kong mag-aral sa New York. One day, we were all in New York. And we were like, ‘Wow, we’re lucky! That’s why we came up with ‘the lucky ones’,” masayang kuwento ni Kit.

Noong tanungin kung minsan ba ay naa-attract siya kay Pia, sinabi ni Kit na hindi sapagkat totoong kaibigan ang turing nila sa isa’t isa.

Narito ang buong interview kay Kit Thompson:

Source :

YouTube