Citizen na naghahanap sa nakaiwan ng P10,000 sa BDO ATM, hinangaan sa social media

Hinahanap ngayon ng isang honest citizen ang nakaiwan ng P10,000 sa BDO automated teller machine (ATM) na nasa Waltermart-Muñoz.

Sa Facebook, nanawagan ang nakakita ng pera at resibo na si Aries Cave sa sinumang may kakilala na nag-withdraw ng pera sa nasabing ATM at hindi napansin na nag-dispense pala ito ng cash.

“Good day po. Baka may kakilala kayo na nag-withdraw sa BDO sa Waltermart Muñoz. ‘Di nakuha ‘yong pera at resibo, naiwan sa ATM. Kinuha ko kasi baka makuha ng iba at ‘di ibalik sa may-ari. Kawawa naman,” aniya.

Image via Facebook

Wika ni Cave, minabuti niya na lang iwanan sa BDO bank ang pera na nakuha niya sa ATM sa Waltermart.

“Kayo na po mag-claim do’n. Papasa po sa iba para makuha ng may-ari ‘to,” dagdag pa niya.

Image via Facebook

Ayon sa resibo, sa ganap na 11:43 ng umaga noong May 14 nag-withdraw ang may-ari ng ATM card.

Image via Facebook

Viral na ang nasabing post at nakakuha na ng mahigit 5,100 comments, mahigit 25,000 reactions, at mahigit 51,000 shares.

Marami ang nagpasalamat at humanga sa nag-post dahil sa kabutihang ipinakita nito. Naghatid umano ng good vibes ang kuwento ng katapatan sa mga nakabasa ng naturang post.

“Baka ‘yong nag-withdraw hindi pa gaano marunong. Nataranta kaya gano’n. Mabuti na lang may mabuting puso ang nakakita. Sana lahat gano’n. I’m proud of you po kung sino ka man,” kumento ni JM.

“Proud of you, Sir! Kaya naman i-detect ng bank ‘yan kasi may 4-digit ending number,” ani RT.

“Mate-trace ni BDO ‘yan. May reference no. ‘Pag nakita nila ‘yong transaction, lalabas ‘yong ATM no. So alam nila owner niyan,” sabi ni RB.

Gayunman, as of posting ay wala pang update hinggil sa may-ari ng pera na naiwan sa ATM.

Source :

Facebook