Ang taray! Skeletal system with attitude, kinaaliwan online

Ilang linggo na lamang at magsisimula na muli ang araw ng pasukan.

Haharapin na naman ng mga mag-aaral ang limang araw sa isang linggo kasama ang kanilang lapis, papel, at iba pang gamit sa eskuwela.

Ang mga guro naman ay naghahanda na ng kanilang mga gamit sa pagtuturo para mas mapabuti ang pagbibigay nila ng kaalaman para sa mga bata.

Kasabay nito ay kinaaliwan sa social media ang chart na nagpapakita ng skeletal system ng tao.

Imahe mula sa Krizza-Almond’s Fan Page | Facebook

Agaw-pansin ang larawan ng tinaguriang skeletal system “with attitude” na ibinahagi ng Facebook page na Krizza-Almond’s Fan Page noong May 14.

Marami ang natuwa rito dahil sa pagkakaroon umano nito ng buhay sa imahe gayong mga buto lang naman ang nakikita.

Tila nakapilantik ang mga kamay at daliri ng isang modelo ng skeletal system sa chart. Ang isa naman ay nakapuwesto ang isang kamay sa taas ng ulo habang ang bewang ay nakausli ng kaunti pakanan na makikita umanong ginagawa ng professional model.

Nagbigay ng komento ang ilang netizens matapos makita ang larawan ng kakatwang skeletal system model.

“Lalagpas kasi sa boarder,” sabi ni MB na isang FB user.

“Hahahaha! Pati ba naman iyan umaawra na. Pak na pak,” sabi naman ni MDCA.

“Our skeletal system represent,” ayon sa komento ni AF sa Facebook sabay tag sa mga kaibigan.

“Huwag judgemental baka may sc0li0sis,” saad ni JDS.

“Ganito dapat para di nkakabored mag aral! Haha,” suhestiyon ni RK.

Screenshot mula sa comment section ng Krizza-Almond’s Fan Page | Facebook

May nagsabi ring hawig ang kuha sa skeletal system sa viral pose ng BLACKPINK member na si Jennie

Sa ngayon ay umani na ang post ng 10,000 likes at 14,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook