12-year-old vlogger niregaluhan ang sarili ng luxury car na nagkakahalaga ng mahigit P10-milyon

Hindi pa siya maaaring magmaneho ng sasakyan ngunit bumili ang isang batang beauty video blogger (vlogger) mula sa Thailand ng mamahaling kotse bilang regalo niya sa sarili sa kanyang ika-labindalawang taong kaarawan noong April 8.

Ayon sa Ladbible, ang dose anyos na si Natthan Sanunrat ay bumili ng isang BMW sedan na nagkakahalaga ng $190,000 o katumbas ng P10,016.178.70.

Dahil sa laki ng kinikita niya sa kanyang make up tutorial vlogs sa YouTube ay kinaya niyang makabili ng luxury car.

“Happy birthday to me. This year, I will be 12 years old. I’m thankful for everything I have so far. Thank you for always following and encouraging me. I love everyone very much. Thank you for all the blessings. May everyone be blessed, too.”

Ito ang tinuran ni Sanunrat gamit ang sariling wika sa post niya sa Facebook.

Screenshot mula sa video ng Viral Press

Ani Sanunrat, dahil hindi pa siya pwedeng magmaneho ng kotse ay hahayaan niya raw muna ang kanyang mga magulang na gamitin ang magarang BMW.

Naging popular si Sanunrat simula noong four years old pa lang siya. Pinakialaman niya raw ang make up kit ng ina at nagsimulang maglagay ng kolorete sa sariling mukha. Doon na nagsimula ang makeup tutorials niya sa internet.

“I’ve been doing makeup every day since I was four years old, when I started to do makeup tutorials and post it on YouTube,” anang batang vlogger.

Imahe mula sa Instagram account ni
nongpearpaplern

“I just felt like I enjoyed doing it and it became my dream to become a makeup artist. Every look I want to do, I just flow. Natural look, fancy look, special effects that I’ve learned from YouTube, I like to do, too,” dagdag pa niya.

Sa tulong ng isa niyang guro ay nakadalo si Sanunrat sa London Fashion Week noong nakaraang taon kung saan siya ang nag-makeup sa ilang adult models at mga batang modelo rin.