Teaser ng film nina Gerald at Julia, inilabas na

Sa unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula ang Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa YouTube, ini-upload na ng Black Sheep ang trailer ng pelikulang “Between Maybes” at inanunsyo na ipalalabas na ito sa May 15.

“Make the moment last. Between Maybes in cinemas this May 15, 2019,” saad sa caption ng video.

Image via Black Sheep

Maraming fans ang na-excite dahil sa nasabing teaser.

“Wow. So totoo nga. Thank you, Black Sheep!” ani YouTube user JE.

“Ganda po. Si Julia parang bata tapos si Gerald matured na parang na-in love sa bata dahil sa kasweetan at prangka ni Julia dito. Hula lang naman. Ganda excited po ako. I love Julia, all of her works. Panonoorin ko na naman ‘to,” komento ni LD.

“Wow. Thank you! Parang masakit siya. I will watch this. Julia and Gerald na ‘yan,” wika naman ni RC.

Ang “Between Maybes” ay tungkol kay Hazel (Barretto), isang aktres na nagkakaproblema sa kanyang career at sa katotohanang wala siyang kontrol sa sarili niyang buhay.

Dahil sa kagustuhang huminga mula sa kasalukuyan niyang buhay, nag-book siya ng isang random flight at sa kalaunan ay natagpuan ang sarili sa Saga, Japan kung saan nakilala at naging kaibigan niya si Louie (Anderson), na lumayo muna sa lahat matapos niyang magkaroon ng problema sa pamilya.

Image via Black Sheep

Naging masaya ang dalawa. Gayunman, sa laki ng kaibahan ng kanilang mga mundo, wala silang ibang mapanghahawakan kung hindi ang paniniwala na may mga pangyayaring nagiging espesyal dahil saglit lamang ang itinagal.

Panoorin ang teaser ng “Between Maybes”:

Source :

YouTube