Sticker o decal bilang front license plate sa motorsiklo tinututulan pa rin ng ilang motorcycle riders

Tinututulan ng mga grupo ng motorcycle riders ang Motorcycle Cr1m3 Prevention Act na nag-aatas na maglagay ng dalawang mas malaking license plates ang mga motorsiklo – sa harap at sa likod – dahil may dalang panganib daw ang malaking plaka.

Sa ilalim ng nasabing batas ay dapat na nababasa ang mga numero ng plaka sa layong 15 meters. Ito ay sa layuning mabilis na matunton ang mga kr!min4l na gumagamit ng mga motorsiklo.

Ayon sa mga motorcycle clubs, posibleng liparin  ng hangin ang mas malapad na license plate at magdulot ng pinsala sa sinumang matatamaan niyon.

Screenshot mula sa video ng GMA

Dahil sa mga ganoong pagtutol ay nagdesisyon ang Land Transportation Office (LTO) na ang plaka na ikakabit sa harapan ng mga motorsiklo ay hindi yari sa metal kundi gawa sa sticker o decal.

“Ididikit mo ito. Hindi naman ito basta liliparin,” sabi ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

Sa isang consultative meeting tungkol sa Motorcycle Crime Prevention Act na dinaluhan ng mga motorcycle clubs, law enforcers, motorcycle manufacturers at license plate manufacturers ay ipinakita ni Galvante ang iba’t ibang proposed designs para sa front decals.

Screenshot mula sa video ng GMA

Ani Galavante, wala pang pinal na disenyo para sa front decals. Aniya, ang lahat ay mga samples at proposals lang.

Batay sa ulat ng GMA, bagama’t isinusulong ng LTO ang decals para sa front license plates, may mga motorcycle riders pa rin ang nagpahayag ng aprehensyon sa panukala, lalo na’t mataas ang multa sa mga hindi susunod sa batas.

Ayon kay Edwin Cua, vice president ng Luzon Motorcyclists Federation, may mga klase ng motorsiklo na walang pagdidikitan ng decals.

Duke 390/Screenshot mula sa video ng Motorcycle.com

“Maraming klase ng motor, Iba-iba ang placement. If I ride a Duke 390, wala talaga akong makitang pagdidikitan,” ani Cua.