Popular na fastfood chain nag-sorry dahil may chlorine ang nai-serve na bubble milk tea

Humingi ng paumanhin sa customer ang branch ng isang malaki at popular na fastfood chain matapos mag-serve ng bubble milk tea na nahaluan ng chlorine.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang paghingi ng dispensa ng McDonald’s branch na matatagpuan sa Fuzhou Changle International Airport sa Fujian, China ay ginawa sa pamamagitan ng Chinese micro-blogging site na Weibo.

“McDonald’s has paid great attention to the incident and is deeply sorry for the error made by a staff member of our restaurant,” ayon sa statement ng fastfood chain.

Screenshot mula sa video ng AsiaOne

Batay sa ulat, ang customer na nakilala lang sa pangalang Huang ay dinala sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan at pagsusuk4 matapos makasipsip ng kaunting milk tea.

Ayon sa asawa ng biktima, pagbukas pa lang ng takip ng baso ng milk tea ay sumingaw na ang malakas na amoy ng disinfectant, pero tinikman pa rin ito ni Huang.

“She just had one sip and found it tasted bad. But she already swallowed some of it,” salaysay ng asawa ni Huang sa wikang Tsino.

Screenshot mula sa video ng AsiaOne

Nang tanungin nila ang staff ng McDonald’s tungkol sa milk tea ay inamoy lang daw iyon at itinapon sa basurahan habang hindi sila nakatingin.

Walang paliwanag na narinig ang mag-asawa mula sa staff ng restaurant.

Kinuha ng mag-asawa sa basurahan ang milk tea bago nagtungo sa kalapit na pagamutan kung saan nakumpirma na ang inumin ay may compound na sodium dichloroisocyanurate, isang uri ng kemik4l na karaniwang ginagamit na pantanggal ng mga bacteria sa tubig sa mga swimming pool.

Screenshot mula sa video ng AsiaOne

Tumulong naman ang McDonald’s sa pagpapagamot ng pasyente na isang araw na-conf1ne sa ospital.

Pumayag makipag-areglo sa fastfood chain giant ang mag-asawa, ngunit walang inilabas na detalye kung magkano ang halaga ng ibinayad sa perwisyong dinanas ni Huang.