Pagiging licensed commercial pilot ni Steve, inspirasyon sa netizens

Iniwan ng kilalang GMA News reporter na si Steve Dailisan ang pag-uulat ng balita para sundan ang kanyang pangarap na maging isang piloto — at hindi naman siya nabigo rito.

Sa Twitter, ibinahagi ni Dailisan ang magandang balita na isa na siyang licensed commercial pilot.

“Officially Licensed Commercial Pilot! Thank you, Lord!” saad niya sa caption ng mga litratong ini-upload niya.

Image via Twitter

Marami ang natuwa at na-inspire sa milestone na ito sa bagong buhay ni Dailisan.

“Congratulations po, idol. You deserve a good life. More blessings pa po sa inyo,” tweet ni @guajhd. [Binabati kita, idol. Karapat-dapat sa iyo ang isang magandang buhay. Sana’y marami pang biyaya ang dumating sa iyo.]

“You’re my inspiration in pursuing my dreams. CONGRATS!” sabi ni @PaololoDomingo. [Ikaw ang inspirasyon ko sa pagpupursigi sa pag-abot ng mga pangarap ko. Binabati kita!]

“So proud of you, sir kuya. Hehe. You are one of my inspiration. Stay humble and fly high for your next journey. Take care always. God bless you, sir kuya @stevefdailisan,” ani @iamdaile.

[Sobrang ikinararangal kita, sir kuya. He he. Ikaw ay isa sa mga inspirasyon ko. Manatili kang mapagkumbaba ngunit lumipad ka nang mataas sa susunod mong paglalakbay. Mag-ingat ka palagi. Pagpalain ka ng Diyos, sir kuya.]

“Congrats po, idol. Inspiration po kayo ng maraming Pilipino na nangangarap na maging piloto (isa na ako doon) hehehe,” wika ni @ping_ryoshi.

“Congratulations! Nadagdagan naman ng isa pang gwapong piloto ang kalawakan. Pagpalain ka ng Diyos sa lahat ng oras,” tweet naman ni @elpelobello1.

Image via GMA News’ YouTube account

Narito ang isa sa mga pag-uulat na ginawa niya para sa GMA News:

Binabati ka namin, Steve!