Mga illegal foreign workers sa bansa pinaghahanap na ng DOLE inspectors

Naka-red al3rt na ngayon ang Labor law inspectors sa paghahanap sa mga dayuhang illegal na nagtatrabaho sa bansa, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa Inquirer, sa isang pahayag nitong Miyerkules, ika-17 ng Abril, isiniwalat ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na nagsagawa na ng malawakang inspeksiyon ang mga labor law compliance officers hinggil sa mga illegal foreign workers.

“Actually on red al3rt yung ating labor law compliance officers, hindi namin binabanggit sa publiko, meron kaming mga inspector na iniinspect lahat… itong Boracay, ‘yung mga POGO (Philippine offshore gaming operator,” sabi ni Sec. Bello.

Imahe mula sa Sonshine Radio

Aniya, hinihintay na lang niya ang resulta ng massive inspection na isinagawa.

“Nagkaron kami ng massive inspection and I’m just waiting for the result of the inspection. Pati ‘yung mga nagnegosyo diyan sa mga economic zones, pinasok din ng aming inspectors and tuloy tuloy ‘yan. We don’t want na ang ating mga kababayan ay mawalan ng trabaho,” anang kalihim.

Matatandaang nai-report na ang pagdami ng bilang ng negosyo ng mga Chinese sa Boracay mula noong muling binuksan iyon sa publiko noong nakaraang taon.

Ilan sa mga Chinese business establishments doon ay may mga empleyadong Chinese nationals.

Nilinaw ni Bello na welcome sa bansa ang mga foreign investors dahil nagbibigay sila ng mga trabaho. Ang problema lang daw ay kung foreign workers ang kukuning empleyado at hindi mga Pinoy.

Hindi umano ito papayagan ng DOLE.

Imahe mula sa Asia Nikkei

“Kung may magnegosyo ditong Japanese, Korean, Chinese, magandang investment, bakit hindi natin i-welcome, it provides employment,’ ani Bello.

Dagdag pa niya, ““Ang pangit diyan eh kung ‘yung mga magtatayo ng business dito, eh dayuhan din ang kanilang gagamiting mga manggagawa eh ‘yun ang mali. We will not allow that.” 

Katuwang ng DOLE ang Bureau of Internal Revenue sa paghabol sa mga illegal foreign workers sa bansa.