Matandang tindero ng saging, hinangaan ng marami

Naantig ang puso ng marami sa isang tindero ng saging na bagama’t napakatanda na ay nagsusumikap pa ring kumayod para maitawid ang araw-araw niyang buhay.

Sa Facebook, ini-upload ni Jeff Garcia ang larawan ng matanda na noon ay nakatulog na sa bangketa kung saan siya nagtitinda.

“Nakakahiya naman doon sa iba na puro reklamo na lang….Samantalang si Tatay, kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay,” saad niya sa caption ng litrato.

Screenshot via Facebook

Marami ang nalungkot at humanga sa matandang nasa larawan.

“I’m so proud of you, Tay. Hindi man kita kilala, I’m proud of you. Mabuhay ang mga katulad mo. God will always bless you po,” ani Prima Diaz.

“Saludo ako kay Tatay. Sa edad n’yang ‘yan, dapat sana ay nagre-relax na lang sa sa ibang bagay. Hindi ‘yong ganito, kahit tabi ng kalsada,” wika ni Gie Gado.

“Nakakaawa naman po kalagayan ni Tatay. ‘Yong iba, hindi marangal ‘yong mga pinagkakakitaan samantalang si Tatay kahit pagod na ‘yong katawan pinipilit pa rin maghanapbuhay makakakain lang s’ya sa pang-araw-araw. Gabayan mo po si Tatay, Panginoon Jesus. Nawa’y matulungan siya ng mga mabubuting tao,” sabi naman ni Carlo Glodove.

Screenshot via Facebook

As of posting, nakakuha na ang larawan ng halos 5,000 comments, lampas 40,000 reactions, at mahigit 66,000 shares.

Marami rin ang nagsabi na handa silang tulungan ang matanda–gayunman, wala umano sila sa Pilipinas.

Sa screenshots na ibinahagi ng isa sa mga nag-comment, makikita na nauna na itong ini-upload ng isang nagngangalang Ricky Al Faqih. Dito tinukoy ang lokasyon ng matanda na nasa Majalengka Square daw.

Imahe mula kay Dylan Pormalejo

Gayunman, nananatili ang mensaheng dala ng nakunang eksena: Hindi hadlang ang katandaan para magkaroon ng silbi.

Source :

Facebook