Branch ng sikat na restaurant inireklamo ni Saab Magalona ng overcharging; kumi-kickback daw

Ipinost ni Saab Magalona sa social media ang reklamo niya laban sa isang branch ng popular na restaurant dahil sa diumano ay pag-overcharge sa pagkaing inorder niya.

Sa Twitter, nanawagan si Saab sa Pancake House na imbestigahan ang isang branch nito dahil sa paniningil ng sobra sa inorder niyang pagkain.

Halos isandaang piso raw ang idinagdag sa presyong dapat niyang bayaran.

Naningil pa raw ng delivery charge ang branch samantalang pinick-up ng driver niya ang order at hindi pa nagbigay ng resibo… order slip lang daw ang inisyu.

Imahe mula sa Twitter account ni Saab Magalona

“Hi, @PancakeHousePH pls PM me. I think one of your branches should be looked into. My driver picked up my order, they charged him almost 100 more than my total and they only gave me an order slip, no receipt. They charged me delivery fee too when no delivery was made,” tweet ni Saab.

Kasamang ipinost ni Saab ang litrato ng order slip  na nagpapakitang P573.90 ang total ng order niya kasama ang delivery charge. Aniya, P479 lang ang total bill nang tumawag siya sa hotline ng Pancake House branch.

“I called the hotline to place my order and my total was only 479 pesos. I think kumi-kickback sila,” sabi pa ni Saab.

Imahe mula sa Twitter account ni Saab Magalona

Agad namang sumagot ang Pancake House sa panawagan ni Saab:

“Hi, Saab! We’re really sorry about what happened. We hope you can follow us so we can send you a DM, and we’ll do all the necessary actions towards this incident. Thank you and our sincerest apologies.”

Naibalik naman ang perang ibinayad ni Saab pero gusto raw niyang kunin ang atensyon ng Pancake House dahil hindi maipaliwanag sa kanya ng mga empleyado sa branch nito  kung bakit ginawa ang overcharging.

“They were apologetic and gave me 100% money back but wanted to call your attention [because] they couldn’t seem to explain themselves and I don’t want them doing this to other people.”

Source :

Twitter, Inquirer