220 million years old na mga buto ng dinosaurs nahukay ng mga scientists

Nahukay ng mga Argentinian scientists ang mga fossilized bones ng sari-saring uri ng dinosaurs na tinatayang 220 years old na.

Ang mga buto ay pinaniniwalaang mula sa mga dinosaurs na ninuno ng mga mammals at ng mga hindi pa nakikilalang reptiles, ayon sa mga scientists mula sa Institute and Museum of Natural Sciences (IMCN) of the University of San Juan sa Argentina.

“There are almost ten different individuals, it’s a mass of bones, there’s practically no sediment, it’s like they’ve made a well and they’ve filled it with these. It’s very impressive,” sabi ni Argentinian paleontologist Ricardo Martinez ng IMCN.

Imahe mula sa IMCN

Ayon sa ulat ng New Straits Times, sinabi ni Martinez na ang mga dinosaurs ay nabuhay 220 milyong taon na nag nakalilipas sa panahong “kakaunti ang ating nalalaman.”

“This discovery is doubly important because there are at least seven or eight individuals of dicynodonts, the ancestors of mammals, the size of an ox, and other archosaurs (reptiles) that we do not know yet who may be dinosaurs or an ancestor of great crocodiles,” ani Martinez. 

Ang “bone bed” na noong September pa ng nakaraang taon nadiskubre ay may lapad na dalawang metro at may ganoon ding lalim.

Bilang paliwanag kung bakit sari-saring buto ang naroroon sa iisang lugar, iniisip ng mga scientists na ang lugar ay dating drinking hole ng mga nilalang na nabuhay noon.

Posible umano na nagkaroon ng matinding tagtuyot sa panahong iyon at nagtungo sa natuyong drinking hole ang mga dinosaurs kung saan sila nal4gutan ng hininga dahil sa panghihina.