Pia Wurtzbach gustong gumanap bilang Wave, ang pinakabagong Pinay superhero sa Marvel universe

Wala pa sa planong isapelikula ang paparating na comic series na “War of the Realms: New Agents of Atlas” kung saan ipakikilala sa unang pagkakataon ang bagong Pinay Superhero sa Marvel universe na si “Wave” ngunit marami nang Pilipino ang nagbibigay ng suhestyon kung sinong Pinay actress ang bagay na gumanap sa kanya.

Una nang lumitaw ang pangalan ni Angel Locsin upang gumanap bilang Wave. Ang mismong co-creator ng superhero na si Leinil Francis Yu ang nagsabi kay Angel na gusto niya ang aktres na gumanap bilang Wave.

Imahe mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

“It’s a collaboration of ideas between me, Greg and Marvel editorial. Would love to see you as Wave, Angel!,” tweet ni Leinil bilang sagot sa tweet ni Angel na nagsabing interesado siyang malaman ang inspirasyon sa likod ng costume ng Pinay superhero.

Magalang namang tinanggihan ni Angel ang pagganap bilang Wave. Aniya, “Tapos na ko sa superhero roles hehehe but kilig na nag-reply ang creator.”

Mula noon ay lumitaw na rin ang pangalan ni Pia Wurtzbach para gumanap na Wave.

Imahe mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Nang tanungin siya ng ABS-CBN kung interesado siya sa ideya bilang Wave, sumagot ang dating Miss Universe ng “Definitely! If there’s gonna be an audition for it, I’m gonna try for that. Why not, ‘di ba?”

Noon pa man ay pangarap na ni Pia na gumawa ng pelika sa Hollywood. Lalong sumidhi ang pangarap na iyon nang ma-interview niya si Brie Larson, ang Hollywood actress na gumanap bilang “Captain Marvel.”

“Well, that dream is still there, I’m still trying to pursue my dream. I know that I still have a long way to go. Definitely have to gain more experience here in the Phlippines before I can try abroad,” pahayag ni Pia.

Imahe mula sa Twitter accoun tni Greg Pak

Ayon sa creator ni Wave na si Leinil, ang Pinay Superhero ay may pangalang “Pearl Pangan” at naninirahan sa Cebu . Ang kanyang powers ay water at tech based.

Ang “War of the Realms: New Agents of Atlas” comic series ay ilalabas sa Mayo ngayong taon.

Source :

ABS-CBN, Cosmo, MSN