Matumal na donut business ng ama biglang lumakas dahil lang sa isang Twitter post ng anak

Sa Missouri, Texas sa Amerika, isang bagong bukas na donut shop – ang Billy’s Donuts – ang tila “nilalangaw” dahil wala ni isang customer na pumapasok para bumili ng freshly-baked goodies na itinitinda nito.

Ngunit biglang nabago ang lahat dahil lang sa simpleng post ng anak sa Twitter account ng donut shop ng ama. Ang tweet ay nag-viral kaya ang resulta — dumagsa sa bagong bukas na donut shop ang mga customers at naubos ang lahat ng paninda.

Noong Sabado, March 9, nag-tweet si Billy By na malungkot ang ama niyang si Satharith By dahil wala ni isang customer ang pumasok sa kabubukas lang na donut shop.

Sa post niya ay makikita ang mukhang malungkot niyang tatay na nasa likod ng mga glass showcase na puno ng mga donuts.

Imahe mula sa Twitter account ng Billy’s Donuts

Ipinost din ni Billy By ang address ng donut shop at ang operating hours nito.

“My dad is sad cause no one is coming to his new donut shop,” tweet ng nag-aalaang si Billy By.  

“For everyone asking for the address of my dad’s donut shop. Mon-Fri, 5am-12pm. Sat-Sun, 5am-1pm 7022 Hwy 6 suite 800 Missouri City, Texas,” sumunod na tweet ni Billy.

Imahe mula sa Twitter account ng Billy’s Donuts

Mabilis na nag-viral ang tweet ni Billy na nagkaroon na ng 335, 889 retweets at 751,587 likes kaya naman kinabukasan, ika-10 ng Marso, ay dumagsa sa Billy’s Donuts ang mga customers upang matikman ang mga donuts na ayon kay Billy ay “made fresh daily.”

Sa pamamagitan ng bagong mensahe sa Twitter ay nagpasalamat si Billy sa mga taong tumangkilik ng paninda ng ama.

“So overwhelmed by all of the support and love. Thank you all so much! My heart is full,” tweet ni Billy noong March 10.

Noong March 11 ay nagbigay ng update si Billy sa mga netizens.

“We completely sold out of donuts and kolaches! You are all amazing. I can’t thank everyone enough for coming out and supporting local businesses. This means so much to my family,” mensahe ni Billy kasama ang larawan  niya at ng ama na makikitang nakangiti na.