Mabait na piloto bumili ng hamburgers para sa lahat ng pasahero ng delayed flight

“Outstanding customer service.”

Ganito inilarawan ng chief executive officer ng Mesa Airlines ang ginawa ng isa nilang piloto na bumili ng maraming hamburger para makapag-lunch ang mga pasahero ng atrasadong flight patungong Houston, Texas.

“He’s a really good guy. We’re very proud of him. That he went out of his way like that to take care of the passengers. It really was outstanding customer service, way above and beyond,” may pagmamalaking sabi ni Mesa Airlines CEO Jonathan Ornstein tungkol sa kabutihang ginawa ng pilotong si Capt. Matthew Hosher.

Imahe mula kay Sam Walker

”It makes me so proud as a CEO of a company. To see an employee do that, it just makes me feel great,“ dagdag pa ni Ornstein.

Ang pangyayari, ayon sa Insider, ay naganap noong Lunes, ika-11 ng Marso, nang maantala nang ilang oras ang isang Mesa Airlines flight mula sa Tulsa International Airport sa Tulsa, Oklahoma.

Screenshot ng tweet ni Sam Walker

Isang pasahero, na nakilalang si Sam Walker, ang nag-post sa Twitter para purihin ang ginawa ni Capt. Hosher. Aniya, mayroon pa palang mababait na tao at maayos na customer service.

“We’re currently 2.5 hours into a delay leaving Tulsa on @united and our Captain, Matthew just ordered every single person on the plane lunch from Fat Guys Burger Bar. Good people and customer service do still exist!” tweet ni Sam Walker.

Sumagot naman sa tweet ni Sam Walker ang United Airlines, ang operator ng Mesa Airlines, na nagsabing natutuwa sila na hindi pinabayaan ng kanilang crew ang mga pasahero.

Imahe mula sa Twitter

“Hey, Sam. How awesome! We’re glad to hear the crew took care of you today. We’ll pass along your praise to our teams,” sagot ng United Airlines sa mensahe ni Sam Walker.

Kinumpirma din ng United Airlines na personal na pera ni Capt. Hosher ang pinambili ng 70 orders ng hamburgers mula sa kalapit na Fat Guy’s Burger Bar.

Imahe mula sa Facebook page ng Fat Guy’s Burger Bar

Samantala, sinabi ng isang empleyado ng Fat Guy’s Burger Bar na ang inorder ni Capt. Hosher ang ang kauna-unahang malaking order na nangyari sa kanila.