Balik-tambalan ng 90s love team Jolina-Marvin, mapapanood sa MMFF 2019?

Tuloy na tuloy na ang much awaited reunion film ng popular 90s love team na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Sa Instagram, ibinahagi ng direktor na si Dan Villegas ang isang larawan kasama sina Magdangal at Agustin.

“Coming soon from @proj8corsanjoaquin. It’s Bujoy and Ned! #lagingtapat #ohyes #bestfriendmolangako #buhaypelikula @marvinagustin @mariajolina_ig @tonetjadaone @reignannedeguzman @bibethorteza,” saad niya sa caption ng litrato.

Sina Bujoy (Magdangal) at Ned (Agustin) ang mga karakter na ginampanan ng onscreen partners noong 1998 sa tinaguriang “classic friendzone film” na “Labs Kita, Okay Ka Lang?”.

Kamakailan ay nabanggit ni Magdangal na kung matutuloy ang kanilang pagbabalik-tambalan ay hangad daw nilang madugtungan ang nasabing pelikula.

“Either co-prod or talagang hands on kami do’n sa project, do’n sa istorya, sa lahat. Basta gusto namin something na konektado sa Labs Kita, Okay Ka Lang?” aniya.

Sa movie rin na ito tumatak ang linyang, “Oh, yes, Ned. Kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako, and I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend.”

Image via Labs Kita, Okay Ka Lang?

Sa Instagram post ni Magdangal, ginamit niya ang hashtag na #MMFF2019. Posible kaya na sa Metro Manila Film Festival natin mapanonood ang reunion project na ito?

As of posting, wala pa masyadong detalye tungkol sa movie ng dalawa; ngunit ngayon pa lang ay sobrang excited na ang mga fans ng tambalan nila.

Taong 1999 noong huli silang nagtambal sa isang pelikula (Hey Babe). Matatandaang nagkasama rin ang dalawa sa teleseryeng “FlordeLiza” noong 2015 sa Kapamilya network.

Balikan ang pelikulang “Labs Kita…Okey Ka Lang” sa pamamagitan ng trailer na ito: