Xian at Louise, magka-love team na

Sa unang pagkakataon ay pinagtambal sa isang pelikula ang stars na sina Xian Lim at Louise delos Reyes.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, palabas na ngayon sa mga sinehan ang “Hanggang Kailan”; ang unang film na pinagtambalan nina Lim at Delos Reyes, na mula sa panulat ni Onay Sales at direksiyon ni Bona Fajardo under BluArt Productions at XL8 na ini-release ng Viva Films.

Mature naman daw ang mga fans nina Lim at Kim Chiu na mas kilala sa tawag na KimXi. Hindi raw maramot ang mga ito sa pagbabago ng karera sa showbiz ng kanilang mga idolo. Hindi sila kagaya ng iba na gustong ikulong ang mga ito sa kani-kanilang ka-love team.

Samantala, ngayong palabas na ang Hanggang Kailan nila ni Delos Reyes, may bagong movie naman umanong sisimulan si Lim sa bakuran ng Viva Films. Sa pelikulang ito ay magtatambal sila ni Christine Reyes.

Wala pang planong magpakasal

Sa edad na 29, marami raw gustong gawin si Lim ngunit hindi pa umano kasama sa mga plano nila ngayon ng kanyang nobyang si Chiu ang lumagay sa tahimik dahil kapwa pa raw sila may mga pangarap para sa kanilang mga sarili.

Kasama sa mga pangarap na tutuparin ni Lim ang pagiging writer-director ng isang indie movie intended for Cine­malaya ngayong taon. Ayaw pa niyang i-reveal ang titulo at ang bubuo ng cast ng pelikula ngunit siniguro niya na hindi siya aarte sa film dahil ito ang kanyang magiging directorial debut.

Lingid sa kaalaman ng marami, sumailalim na siya sa writing workshop ni Ricky Lee.