Throwback: Batikang aktres na si Gina Pareño noong kanyang kabataan

Isa sa pinakamagaganda at pinakamahuhusay na artista ng kanyang panahon ang aktres na si Gina Pareño; na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nagbabahagi ng kanyang talento sa larangan ng pag-arte.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, napa-throwback ang marami nang may magbahagi ng larawan ni Pareño noong siya ay nasa kanyang kabataan pa.

“Ms. Gina Pareño. Nagsimula ang kanyang career noong 1960s. One of the artists of Sampaguita Picture,” saad ng nag-post sa caption ng litrato.

“Napakaganda ni Gina Pareño noong araw kahit ngayon beauty pa rin, figure lang nabago sa kanya. May hawig pala siya kay Lani Mercado. Good in drama and comedy. Natural ang kanyang pag-arte,” dagdag pa nito.

Marami ang nagbalik-tanaw dahil sa nasabing throwback picture ng ngayon ay 69 anyos nang si Pareño, or Geraldine Acthley sa tunay na buhay. May mga nagbahagi rin ng mga naitago nilang larawan ng aktres.

“Like ko s’ya mula noon hanggang ngayon. Magaling na aktres. Dapat lang magtagal sa industriya,” ani ST.

“May ganiyan din akong picture niya!” pagbabahagi ng netizen na si VN sa comments section ng post.

Nagsimulang umarte noong taong 1963, marami nang natanggap na parangal at pagkilala si Pareño; kabilang na ang mga parangal mula sa Metro Manila Film Festival Award, FAMAS Awards, Film Academy of the Philippines Awards, Pacific Meridian International Film Festival, Asian Film Awards, Osian’s Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema, Brussels International Independent Film Festival, at iba pa.

Kamakailan ay bumida si Pareño sa pelikulang “Hintayan ng Langit”, kung saan ay kapareha niya ang isa pang beteranong artista na si Eddie Garcia: