Pagkatapos ng 2 taon: ‘Special participation’ ni Lito Lapid sa Ang Probinsyano, natapos na

Umalis na sa primetime series na Ang Probinsyano ang actor-politician na si Lito Lapid, matapos ang halos dalawang taong special participation niya sa popular television show na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon sa PEP, ang pag-alis ni Lapid sa palabas ay bilang pagsunod sa batas na nagbabawal sa mga kandidato na lumabas sa anumang pelikula at teleserye sa loob ng 90-day campaign period, na nagsimula ng Pebrero 12.

Bago mapaslang sa serye, naging highlight ng dalawang huling gabing niya ang husay niya sa pangangabayo at pakikipaglaban. Ipinaalala ng mga eksenang ito si Leon Guerrero; isa sa mga iconic characters na ginampanan ni Lapid.

Nag-trending sa Twitter ang pag-exit ng batikang action star sa series.

Magwawakas na?

Marami ang napapaisip nitong nakaraan kung magwawakas na ba ang “Ang Probinsyano”, ang Kapamilya series na nagsimulang umere noong 2015. Ito ay dahil sa karamihan ng bumubuo sa cast ng nasabing serye ay nag-file ng certificate of candidacy.

Bukod kay Lapid, kakandidato rin ang kanyang anak na si Mark Lapid at ang isa pang actor-politician na si Edu Manzano.

Dahil silang tatlo ay pare-parehong may importanteng role sa series, sumagi sa isip ng ilan na baka magwawakas na ang serye.

Image from Ang Probinsyano