Kabutihan ng puso, tumupad sa pangarap ni Uno na maging aktor

Isang karaniwang eksena sa pelikula — na nangyayari pala sa tunay na buhay — ang naging dahilan para matupad ang pangarap ni Jesusa actor Uno Santiago na maging isang aktor.

Sa YouTube video ng LionhearTV na kuha mula sa press conference ng Jesusa, ibinahagi ni Uno kung paano siya na-discover ng kanyang manager na si Daddie Wowie.

Kuwento niya, bibili lamang siya ng headset sa isang mall noong napansin niya may isang taong nangangailangan ng tulong.

“Paakyat po ako no’n para bumili ng headset. Tapos there was this early age man in front of me. Medyo nahihilo po ang tingin ko sa kanya,” pagbabahagi niya.

“Tapos, all of a sudden, umatras po siya. Parang mahuhulog po, inalalayan ko po siya,” pagpapatuloy ng aktor.

Ang taong iyon ay ang kanyang manager na si Daddie Wowie.

“That’s how I met Daddie Wowie po,” aniya.

Naniniwala si Uno na sinadya ng pagkakataon ang pagkakakilala nila ni Daddie Wowie dahil matagal na niyang pinapangarap ang maging artista. Noong araw na tinulungan niya ito, tinanong siya ng direktor kung sino ang mga magulang niya.

“Tinanong niya kung sino ‘yong magulang ko. Sabi ko po, si Carmen Santiago. Nagulat po si Daddie Wowie, ‘Carmen Santiago, ‘yung dancer?’ Sabi ko, ‘Opo!’ Tapos ayon po, nag-meet sila. Pumunta po si Daddie Wowie sa bahay ni Mama,” saad niya.

Malaki raw ang kanyang pasasalamat na napunta siya sa tamang tao.

Jesusa

Sa pelikulang “Jesusa” ipakikilala si Uno bilang isang aktor. Dito ay makakasama niya ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez.

Image via Jesusa trailer

Kuwento ni Uno, labis siyang ninerbyos noong una niyang makatrabaho si Sanchez sa pelikula; kung saan magkakaroon siya ng importanteng papel.

“Ako po ‘yung gumabay sa kanya (Sylvia) sa rehab. Sobrang honored po, sobrang happy. She’s very helpful, gina-guide niya po ako with every take. Sabi po niya, kapag kinabahan ako, hindi ko po mabibigay ‘yong best ko,” pagbabahagi niya.

“No’ng una po, nai-intimidate ako kay Ms. Sylvia. Pero na-relax po ako nu’ng sinabi niya na it’s okey to make mistakes. Kinabahan po talaga ako, kasi first time kong gumawa ng movie, but with Direk Ronald’s guidance, at sa mga co-stars ko, natawid ko naman po,” dagdag pa ng nagsisimulang aktor.

Image via Jesusa trailer

Panoorin ang pagbabahagi ni Uno ng kuwento kung paano siya na-discover: