Chinese na nanaboy ng taho sa pulis, ‘di na makasasakay ng MRT; posibleng ma-deport

Hindi na muling makasasakay ng Metro Rail Transit (MRT), posible pang maipa-deport ang Chinese na si Jiale Zhang; ang banyagang nag-viral kamakailan matapos sabuyan ng taho ang isang pulis habang pinaliliwanagan siya nito tungkol sa security policy na nagbabawal sa pagdadala ng anumang uri ng liquid sa loob ng tren.

Sa 24 Oras, iniulat ni GMA reporter Rida Reyes na nais magsampa ng pamunuan ng MRT ng hiwalay na reklamo laban kay Zhang. Hindi na rin daw ito papayagang makatungtong sa alinmang istasyon ng MRT.

“It’s a form of disrespect, at hindi magandang example ‘yon sa ting mananakay. ‘Yong pagdadala ng pagkain sa MRT-3, bawal talaga ‘yon,” ani DOTr Assistant Secretary for Communications Goddess Hope Libiran.

Samantala, gusto ng Philippine National Police na ideklara si Zhang na “undesirable alien” at maipa-deport.

As of posting, hindi pa rin nakikipag-ugnayan ang Chinese embassy sa mga awtoridad dito sa bansa.

MRT incident

Ayon sa press statement ng DOTr, alinsunod sa ipinatutupad na policy ng MRT-3, pinagbawalang pumasok sa Boni Station ang foreigner na si Jiale Zhang, 23, hanggang hindi pa niya nauubos ang dala niyang taho.

Dahil ayaw sumunod ni Zhang sa dalawang security personnel, minabuti ng mga ito na i-turn over ang dayuhan kay PO1 William Cristobal para mas mapaliwanagan ito tungkol sa nasabing security policy.

Habang pinaliliwanagan, bigla na lamang isinaboy ni Zhang ang dala niyang taho kay Cristobal.

Narito ang update mula sa 24 Oras: