Ang Valentine’s surprise na nagpaiyak kay Barbie

“Movie-like” — ito ang ginamit na salita ng aktres na si Barbie Forteza para ilarawan ang surpresang inihanda sa kanya ng ka-love team at nobyong si Jak Roberto noong Valentine’s Day.

Sa YouTube, ini-upload ni Forteza ang isang vlog tungkol sa naging Valentine’s nila ng kasintahan; kasabay ng pag-amin na nagtampo siya noong una sa pag-aakalang wala itong inihanda para sa kanya.

“Sabi niya ba naman kasi sa ‘kin, ‘May trabaho tayo sa Valentine’s Day kaya ‘di natin mase-celebrate. Ikaw naman. ‘Wag mo nang i-big deal ang Valentine’s.’ Kaya mula kahapon sa taping, super dedma na ‘ko sa kanya. Tapos may pa-ganito pala,” pagbabahagi ng aktres.

Image via Barbie Forteza’s YouTube video

Kitang-kita sa video kung gaano nasurpresa ang aktres. Agad itong napaiyak noong makita ang Valentine’s surprise na plinano ng aktor sa loob ng humigit-kumulang isang linggo.

“Maraming salamat sa lahat lahat, Mahal ko! Sorry po kung nagalit ako agad dahil akala ko wala lang sa ‘yo ang araw na ‘to. ‘Yon pala, last week mo pa pinaplano. Happy second Valentine’s, Mahal ko! Mahal na mahal kita,” saad ni Forteza.

Bago pa man pumasok ang “Kara Mia” star ay sinabi na ng kanyang leading man sa mga kasabwat na maiiyak ito pagpasok pa lang sa pinto. Hindi nga ito nagkamali.

Image via Barbie Forteza’s YouTube video

Panoorin ang cute na video ng second Valentine’s ng tambalang JakBie bilang real life couple:

Source :

YouTube