Aljur, hindi hinihikayat na lumipat sa ABS-CBN si Kylie

Sa kabila ng pagiging Kapamilya ng aktor na si Aljur Abrenica, pinayuhan nito ang asawang si Kylie Padilla na manatiling Kapuso.

Ayon sa Bandera, ikinuwento ng aktres na hindi kailanman siya hinikayat ni Abrenica na lumipat na rin sa ABS-CBN tulad ng ginawa nito, para mabigyan sila ng chance na magkasama sa trabaho.

“When it comes to my career, I have the last say. Siyempre, ipapaalam ko sa kanya ‘yong mga gusto kong gawin. Pero at the end of the day, ako pa rin (ang magdedesisyon). What he said to me, alam mo, sa ngayon you have a place there sa GMA. So gawin mo na lang ‘yong best mo. Hindi naman sa makabawi, ang pangit ng bawi pero ipakita mo sa kanila na you’re ready to work again,” wika ni Padilla.

At masaya naman daw si Padilla sa kanya-kanya nilang karera kahit pa nasa magkaibang istasyon sila.

“Actually, na-enjoy ko siya, ‘We have our respective places na, ‘di ba? So he goes to work. I go to work. We have two different worlds. Pero nagma-match din when it comes to the right time like when we attended the ABS-CBN Ball. Nakapunta ako ro’n,” dagdag niya.

Mas mabuti na raw iyong may kanya-kanya silang ginagawa nang magkahiwalay para mas challenging at para may pagkuwentuhan silang bago sa isa’t isa.

“Dati kasi when we were younger, halimbawa, magre-rehearsal, magkikita na naman kami sa rehearsal. Tapos hindi ko alam kung magiging sweet ba ako, or ‘yong ilulugar mo pa ‘yong sarili mo. Ngayon, it’s very professional na, wala nang gano’n,” paliwanag ni Padilla.

Samantala, mainit namang tinanggap ng mga manonood ang pagsisimula ng “TODA One I Love” noong Lunes sa GMA Telebabad. Buhay na buhay pa rin daw ang tambalan nina Padilla at Ruru Madrid na mas kilala sa tawag na KyRu. Ang seryeng ito ang unang political romcom ng GMA.

Source :

Bandera, GMA, YouTube