90s love team Jolina-Marvin, magbabalik-tambalan?

Gusto mo bang makita ulit sa isang pelikula ang 90s love team na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin?

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, ibinahagi ni Magdangal na malaki na ang posibilidad na matuloy ngayon taon ang come back movie nila ng kanyang dating ka-love team na si Agustin.

“Parang last year pa namin ‘yan pinag-uusapan hanggang sa finally ngayong pagpasok ng 2019, bigla akong binabalitaan. Binabalitaan niya (Marvin) ako na nakikipag-meeting na siya kung kani-kanino,” masayang pagbabahagi ng aktres.

Umaasa ang dating magkatambal na muli silang susuportahan ng kanilang mga tagahanga kung sakaling matuloy ang pagkakaroon nila ng bagong pelikula. 

“Looking forward talaga kami to do this film ngayong year. Kasi medyo na-miss namin ang pakikipag-work sa isa’t isa. Kaya noong nakita ko siya noong birthday ko, para kong nakita ang best friend ko, ‘Oh yes, ‘Kaibigan mo lang ako’ parang mga gano’n,” halatang excited na sabi ng aktres, na nag-quote pa ng isang iconic line mula sa sikat na pelikula nilang noong 1998 na “Labs Kita, Okay Ka Lang?”.

Image via Labs Kita, Okay Ka Lang?

Taong 1999 pa noong huling nagtambal sila sa isang pelikula (Hey Babe). Matatandaang nagkasama rin ang dalawa sa teleseryeng “FlordeLiza” noong 2015 sa Kapamilya network.

“Sobra akong na-excite na nagkakaroon kami ng time ni Marvin na makapag-usap ulit ng project together,” wika niya.

Labs Kita, Okay Ka Lang?

Samantala, kung matutuloy daw ang kanilang pagbabalik-tambalan ay hangad daw nilang madugtungan ang “Labs Kita, Okay Ka Lang?”

Image via Labs Kita, Okay Ka Lang?

“Either co-prod or talagang hands on kami do’n sa project, do’n sa istorya, sa lahat. Basta gusto namin something na konektado sa Labs Kita, Okay Ka Lang?,” ani Magdangal.

Sa nasabing pelikula sumikat ang eksena nina Ned na ginagampanan ni Marvin at ni Bujoy na papel naman ni Jolina kung saan tumatak ang linyang, “Kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako, and I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend.”

Balikan ang trailer ng Labs Kita, Okay Ka Lang?:

Source :

PhilStar, Remate, YouTube