[Video] Pagsasayaw ni Manilyn at ng kanyang asawa sa Disneyland, kinagiliwan

Kinagiliwan ng marami ang nakatutuwang moment ng aktres na si Manilyn Reynes at ng kanyang asawang si Aljhon Jimenez sa kanilang pamamasyal sa Tokyo Disneyland.

Sa video na ini-upload ni Reynes sa Instagram, makikita ang masayang pagsasayaw nilang mag-asawa; sweet na sweet na animo’y mga teenager na bago pa lamang natututong umibig. Ang video na iyon ay kuha ng bunso nilang anak.

“Disneyland… such a magical place. Teary-eyed na ako sa Disney moment na ‘to e, ganda na sana, sumabit pa sa dulo, hahaha! Ewan ko kung ano na ‘tong form na ‘to,” aniya.

Image via Manilyn Reynes’ Instagram video

“Parang pag-a-asawa lang. Paminsan-minsan, may hamon, pagsubok, at palpak–pero walang bumibitiw sa pag-sayaw,” dagdag pa niya.

Sa kanilang pamamasyal sa Japan ay tinungo rin ng pamilya ang Central Railway Station sa Tokyo at nilibot ang Imperial Palace.

Young Love

Maagang natagpuan nina Reynes at Jimenez ang tunay na pag-ibig sa piling ng isa’t isa. Mula sa pagiging onscreen partners, isang wagas na pag-ibig ang sumibol at nagbunga ng isang masayang pagsasama.

Sa isa sa mga post ng aktres, ibinahagi niya ang isang sweet moment nilang mag-asawa kung saan sinabi nito sa kanya na isang tamang desisyon ang kanyang nagawa noong piliin nitong umibig: