Fast food franchise, birthday gift ni Alden sa sarili

Ibang lebel ang other half ng AlDub na si Alden Richards!

Franchise ng isang sikat na fast food restaurant ang regalo ni Richards sa sarili para sa kanyang ika-27 kaarawan. Ayon sa PEP, target ng aktor na buksan ang kanyang bagong business venture sa Easter Sunday, April 21.

“We’re eyeing an Easter Sunday opening. Sa may Olivarez, katabi po kami ng Perpetual, along the national highway,” pagbabahagi niya.

Ang nakababatang kapatid daw ni Richards ang mamamahala ng bago niyang negosyo. Gayunman, siya pa rin ang owner/operator kaya sumailalim din ang aktor sa isang orientation.

Hindi pa rin daw makapaniwala ang binata na mayroon na siyang isang food franchise sapagkat isa lamang siyang ordinaryong customer noon.

Image via Alden Richards’ Instagram account

“Pangarap lang po ‘yan namin ng pamilya ko dati, kasi may isa kaming kinakainan sa isang supermarket before. Akala ko po kasi noon, ‘yong McDonald’s, walang franchise. Kumbaga, galing siya sa company pero sabi ko, sana one day, magka-restaurant kami na McDo kasi we’re really avid fans of the restaurant. So, we’re very happy, hindi po ako makapaniwala,”kuwento niya.

“Nang makita ko na on-going na yung construction, no’ng makita ko yung takip do’n sa pinaka-construction site na ‘McDonald’s soon to open,’ doon lang nag-sink in na talagang magkaka-restaurant na po kami,” dagdag pa niya.

May plano rin daw itong magtayo ng isang branch sa Sta. Rosa, Laguna, na hindi rin malayong mangyari dahil siya ang celebrity endorser ng popular fast food chain na ito.

Image via Alden Richards’ Instagram account
Source :

PEP , Push, Instagram