Buhay at kultura ng mga Badjao, itatampok sa bagong BiGel serye

Itatampok sa bagong teleserye nina Kapuso stars Bianca Umali at at Miguel Tanfelix ang buhay at kultura ng mga Badjao.

Ayon sa GMA News, sa upcoming teleserye ng GMA Kapuso na “Sahaya”, hindi lang pagsisid ang pinag-aralan ng lead actress na si Umali, na gaganap bilang isang Badjao. Napasabak din ito sa iba’t ibang training at workshop; kabilang na ang mga leksyon sa salita at kultura ng mga Badjao. 

Sa nasabing serye, tatalakayin ang kultura ng Badjao at ang pagiging isang babae sa ating lipunan.

Si Umali ay isang sea-dweller na taga-Mindanao na dahil sa kakaibang twist ng kuwento ay mapapadpad siya sa Maynila.

Naiibang Papel

Hindi raw naging madali ang paghahanda para sa upcoming series.

Inamin nina Umali at Tanfelix na nahirapan sila sa pagsasanay sa free diving ngunit kailangan nilang gawin para sa karakter na kanilang gagampanan sa nasabing serye.

“Una siyempre medyo mahihirapan po kayo and masakit sa tenga kasi ‘yong pressure under water. Pero kailangan po ng practice, kailangan po ng knowledge about sa free diving,” wika ng aktor.

“Nag-i-scuba diving po ako pero, ‘yong mag-free diving, hindi ko pa po… ginawa ko siya for fun. Pero hindi ko po inakala na dadating po ako sa point na kakailanganin ko pa siyang gawin,” ani naman ng aktres.

Makakasama nina Bianca at Miguel sa seryeng Sahaya sina Migo Adecer, Ana Roces, Ashley Ortega, at Jasmine Curtis. Maging ang mga batikang artista na sina Pen Medina, Zoren Legaspi, Eric Quizon, at Ana Capri.

Mapapanood ang “Sahaya” sa first quarter ng 2019.

Source :

GMA News, GMA, GMA, YouTube