Angel, malapit nang matupad ang pangarap ng kanyang ama

Pinuri ng marami ang aktres na si Angel Locsin matapos niyang tuparin ang pangarap ng kanyang ama.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ng “The General’s Daughter” actress na si Locsin ang naging bakasyon ng pamilya niya sa isang beach. Aniya, natupad na ang pangarap ng kanyang ama na magkaroon sila ng lugar kung saan maaari silang magsama-sama.

“Little by little, I’m ALMOST there to fulfil my father’s and now, my dream as well, to have a place where we can spend time as a family while being able to preserve the beauty of nature,” saad ni Locsin.

[Paunti-unti, malapit ko nang matupad ang pangarap ng aking ama, maging ang pangarap ko, na magkaroon ng isang lugar na puwedeng pagbakasyonan naming mag-anak habang nape-preserve ang ganda ng kalikasan.]

Sa pamamagitan ng komento ng isa sa mga followers ni Locsin, napag-alaman na binili nito ang isang bahagi ng cove sa Zambales.

Dahil dito, hinangaan siya ng marami.

The General’s Daughter

Samantala, inaasahan namang eere ang teleseryseng The General’s Daugther na pagbibidahan ni Locsin ngayong unang quarter ng 2019. Maraming eksena na raw ang nakuhaan dito sa loob ng halos isang taon.

Hinihinalang ito ang papalit sa primetime series ng ABS-CBN na “Ngayon At Kailanman” dahil sa anunsyo kamakailan ng nalalapit nitong pagtatapos.

Source :

Bandera, ABS CBN