Ai-Ai at Gerald, handang hingiin ang tulong ng siyensya para magkaanak

Nakahanda raw humingi ng tulong sa siyensya ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at ang kanyang kabiyak na si Gerald Sibayan para magkaanak.

Ayon sa Bombo Radyo, dalangin ng mag-asawa na magkaroon ng anak ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibiyayaan ng supling.

Image via Ai-Ai Delas Alas’ Instagram account

Dahil dito, naisip nila na kung kinakailangang humingi ng tulong sa siyensya ay handa silang gawin ito. Desidido raw silang magkaroon ng anak ngayong 2019.

Kung may Scarlet Snow daw sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr., walang nakikitang dahilan sina Ai-Ai at Gerald upang hindi matupad ang pangarap nila na magkaroon ng sariling anak.L

Taong 2017 noong makaisang-dibdib ni Ai-Ai ang noon ay tatlong taon niya nang kasintahan na si Gerald.

Bago ikinasal, pagbabahagi ng aktres, nagkaroon sila ng prenuptial agreement; isang bagay na kagustuhan mismo ni Gerald. Bagama’t naniniwala ang aktres na hindi batayan ang pera upang magsama sila nang matagal, pumayag na rin ito sa agreement para sa kapayapaan ng kalooban ng lalaking iniibig niya.

Sa kasalukuyan, masayang nagsasama at nagmamahalan ang mag-asawa.

Source :

Bombo Radyo