#10YearChallenge ni Angelika kasama ang kapatid na lead star ng Kara Mia kinagiliwan

Bago pa man umere ay naging trademark na ni Mika Dela Cruz ang kanyang karakter sa upcoming television series ng GMA na Kara Mia. Dahil dito, madalas tayong makakita ng meme o larawan ng karakter niya, pero ano kaya ang hitsura ng young actress 10 years ago?

Sa Instagram, ibinahagi ng nakatatandang kapatid ni Mika na si Angelika Dela Cruz ang larawan nilang dalawa noong taong 2008. Kitang-kita sa larawan na batang-bata pa noong mga panahong iyon si Mika.

“Makikiuso ako sa #10yearchallenge. 2008 to 2018 with my sister @mikadlacruz,” saad niya sa caption ng mga larawan.

Maraming ang natuwa sa post ni Angelica at nakakuha ito ng halos 25,000 na likes.

“Ang ganda n’yo po! Mula noon hanggang ngayon. S’yempre super ganda both of you,” ani @juvelynmanagasea.

“‘Yong #10YearChallenge pero si Mika lang tumanda,” @yami7teenY.

“So gorgeous n’yo po. I love you,” wika ni @evalyngadiano.

Kara Mia

Ang Kara Mia ay tungkol sa isang dalaga na mayroong dalawang mukha.

Una itong pinamagatang Ang Dalawang Mukha ni Guadalupe.

Bagama’t marami pa ang hindi isinisiwalat tungkol sa serye, ipinakilala na ang mga artistang magsisipagganap dito. Bukod kina Forteza at Dela Cruz, nasa nasabing serye rin sina Carmina Villaroel, John Estrada, Jak Roberto, at ang nagbabalik-GMA na si Paul Salas.

Narito ang trailer ng Kara Mia:

Source :

Instagram