Yam Concepcion sa kanyang 1st Magazine cover: “Kasi ahas ka”

Tila sunod-sunod ang biyaya para kay Kapamilya actress Yam Concepcion sa paglabas ng kanyang kauna-unahang Preview Magazine cover.

Si Yam ang ngayo’y tinaguriang Pambansang Kabit dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang mistress sa namamayagpag na teleseryeng Halik ng ABS CBN.

Sa Instagram post ni Yam, ibinahagi nito ang larawan ng kanyang Preview Magazine cover.

Ayon sa post: “Hi Sissies! My first Preview cover magazine is finally out.”

Imahe mula sa Yam Concepcion Instagram account

Sa ulat ng ABS CBN, ibinahagi naman ni Yam ang kanyang naging reaksyon hinggil sa kanyang suot na balat-ahas sa kanyang Preview Magazine cover..

Ani Yam: “Naku, sasabihin na naman ng mga tao, ‘Bagay sa ‘yo ‘yang suot mo kasi ahas ka’.”

Inamin naman ng aktres na siya’y naaapektuhan sa pamba-bash ng mga netizens dahil sa kanyang pagganap bilang mistress sa naturang teleserye.

“I’m not gonna lie, nu’ng umpisa affected ako,” ani Yam.

“People are just so mean. Like, ano ba, that’s not me, that’s just the character I portray. But sometimes kasi people take it too personally eh. They would think na you’re really malandi, kabit ‘yan, pumapatol ‘yan — all these hateful words.

“Of course, I’m a very sensitive person so I get hurt also,” dagdag pa nito.

Ngunit napagtanto naman ng aktres na ang kanyang natatanggap na pamba-bash ay resulta ng kanyang epektibong pagganap sa teleseryeng Halik bilang Jade.

Imahe mula sa Yam Concepcion Instagram account

Ang mga larawan ay kuha ni Dookie Ducay na ang styling ay mula umano kay Steven Coralde.

Samantala, inihayag naman ni Jericho Rosales na extended ang teleseryeng Halik hanggang Marso 2019 dahil sa mataas nitong following.