Drive thru gamit ang kabayo, kinaaliwan ng mga netizens

Magda-drive ako hanggang Baguio

Magda-drive ako hanggang Bicol

Magda-drive ako hanggang Batangas

Tapos magswi-swimming d’on sa beach

Pumatok sa maraming mga motorista ang awiting ‘Overdrive’ ng Eraserheads lalo na mga mahilig bumiyahe sa malalayong lugar. Sa pagbiyahe, doo’y nakararamdam sila ng kakaibang adventure na bihira lamang maranasan.

Sa mga motorista na mahilig bumiyahe, hindi nila maiwasan ang magutom sa daan. Kaya naman sa kanilang pagkagutom ay agad silang naghahanap ng drive thru upang maibsan ang kanilang gutom lalo na kung wala silang dalang baon.

Paano kaya kung kabayo ang dumaan sa drive thru?

Nag-viral ngayon sa social media ang larawan ng isang kabayo na may nakasakay na isang lalaki nang dumaan sa isang kilalang fastfood na sinasabing sa Valencia sa Northern Mindanao. Pambihira kasi na ang kabayo ang dumaan sa drive thru na kadalasang mga sasakyan.

Ang larawan ay ibinahagi ni Jennifer Rivera sa kanyang Facebook account.

Image may contain: one or more people and people standing
Imahe mula sa Facebook account ni Jennifer Rivera

Maraming netizens ang naaliw lalo na sa pambihirang pagkakataong ito:

“Ito yung original na Ferrari.”

“Nagpalit na burger para sa iyang kabayo.”

“Ayoko na sa Earth HAHAHHAHA”

Image may contain: 1 person, standing and outdoor

Pabirong komento naman ng isang netizen, ipapalit ang kabayo kapag naubos ang langis sa Middle East.

“Kapag ubos na langis sa middle east babalik tayo sa kalabaw kabayo at bisikleta pwede yan haha.”

May isang netizen naman ang nag-post ng larawan ng isang lalaking nakabisikleta at nakasakay sa kabayo.

Imahe mula kay Ar Gi El Angcao Facebook account

May mga lalaki ring nag-drive  thru  na nakabisekleta.

Imahe mula kay Jenz Buslon Facebook account

Isang nakaaaliw din na tanong ang binitiwan ng ilang mga netizen. Paano nga kaya kung kalabaw o eroplano ang mag-drive thru? Paano nga kaya?

Well, ganito pag kalabaw:

Source :

Facebook