Udenna-China Telecom consortium ang nag-iisang qualified bidder sa 3rd telco slot

Mula sa sampung kumpanya na nagpahayag ng interes na maging 3rd telco player sa bansa bumaba ang bilang nito sa tatlo, subalit na-disqualify naman ang dalawa kaya isa lang ang natirang qualified bidder.

Imahe mula sa China Telecom, Udenna at Chelsea

Ayon sa ulat ng GMA, diskwalipikado ang grupo ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na SEAR Telecommunitions at ang PT&T dahil kulang umano ang isinumite nilang mga dokumento.

Ang grupo ni Singson ay na-disqualify dahil hindi umano ito nakapagsumite ng “participation Security” na nagkakahalaga ng P700 milyon, samantalang ang PT&T naman ay hindi nakapagsumite ng Certificate of Technical Capability.

Imahe kuha sa video ng Rappler via YouTube

Tanging ang Mislatel consortium, na kinabibilangan ng Chinese state-owned China Telecom at ng dalawang kumpanya na pagmamay-ari ng Davao-based businessman na si Dennis Uy na Udenna Corporation at Chealsea Logistics Holdings, ang natirang qualified bidder.

Sinabi ng selection committee ng National Telecommunications Commission (NTC) na dadaan sa susunod na bahagi ng selection process ang Mislatel consortium.

Imahe mula sa PT&T

Ang SEAR Telecommunications at PT&T ay may tatlong araw upang mag-file ng motion for reconsideration, ayon sa NTC.