Myrtle Sarrosa, nakikipagtagisan sa international online gaming tournament sa Thailand

Kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand at nakikipagtagisan ng galing sa paglalaro ng multiplayer online game na PlayersUnknown’s Battleground (PUBG) ang aktres at sikat na cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Ang tournament ay tinawag na Omen by HP Challenger Series 2018.

Imahe mula sa Instagram account ni Myrtlegail

Ang aktres ay kabilang sa Aether Dogz squad; ang team na kumakatawan sa Pilipinas. Ang mga kalaban ng kanilang team ay mga top players at influencers mula sa iba’t ibang bansa sa Asia Pacific tulad ng South Korea, China, Japan, Vietnam, Malaysia, India, Indonesia, New Zealand, Australia at Singapore.

Si Myrtle ang kauna-unahang Pinay celebrity na nakasali sa nasabing gaming competition na nagsimula nitong November 1 at matatapos sa November 3.

Imahe mula sa PUBG

Masayang-masaya ang aktres na nakasali sa nasabing kompetisyon. Lingid sa kaalaman ng marami, mahilig talagang maglaro ng pc at mobile games ang aktres.

“First time ko mag-qualify para sa isang gaming tournament. Sumasali na ako kaso hindi talaga ako nakapasok. But this time I really qualified and I’m grateful for the opportunity na madala ko ang Pilipinas sa isang gaming tournament,” kuwento ng dalaga sa PEP.

Imahe mula sa Instagram account ni Myrtlegail

“Gamer talaga ako. Kung papapiliin ako lumabas, mag-party o mag-stay sa bahay, mas gusto ko sa bahay na lang to play. After shooting or work, I spend most of my time playing PC games and mobile games. I play till the sun rises,” dagdag pa ng aktres.

Imahe mula sa Instagram account ni Myrtlegail

 

Source :

Omen Gaming, PEP, Push