Mahigit 1,000 Pinoy skilled workers, nurses, hotel workers kailangan sa Amerika, Malaysia at Middle East

Isang recruitment agency ang nag-anunsiyo ng mahigit isang libong job openings para sa mga Pinoy workers na ide-deploy sa Middle East, Malaysia at sa Amerika o Estados Unidos.

Ayon sa ulat ng GMA, ang Ruru Global Recruitment Services, Inc. (RGRSI), na may lehitimong lisensya mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ay nangangailangan ng mahigit isang libong skilled workers na ipadadala sa Middle East.

Imahe kuha sa video ng GMA

Sa Amerika naman ay 150 nurses ang kailangan.

Sinabi ni Janessa Medina-Bacolod, senior vice president ng RGRSI, na ang alok na suweldo sa mga Filipino nurses ay $24.50 kada oras o katumbas ng halos P1,300. Bukod pa umano iyon sa mga benepisyo. Required sa mga nurse applicants ang pagkakaroon ng aktibong lisensya at hindi bababa sa dalawang taong experience sa isang 100-bed hospital.

Walang placement fee o processing fee na babayaran ang mga aplikante, ayon  pa rin kay Medina-Bacolod.

“Libre ito. Walang placement fee, no processing fee. Immigrant visa ang gagamitin. ‘Yung ibang nurse natin na pinaalis, they were able to bring their husband and anak,” aniya.

Imahe mula sa video ng GMA

Sinabi rin ni Medina-Bacolod na malapit nang tumanggap ng nurses ang Japan. Kailangan umanong mag-aral ng salitang Nihongo ang mga nais magtrabaho doon. Sasagutin na raw ng mga employers ang gastusin sa  Nihongo courses ng mga matatanggap na aplikante.

Sa Malaysia naman ay 94 hotel workers ang kailangan. Aabot daw sa P76,000 kada buwan ang alok na basic salary, bukod pa sa allowance na nagkakahalaga ng P9,000.

Imahe mula sa RGRSI

Ang main office ng RGRSI ay nasa 9th Floor Unit 902, Summit One Tower, 530 Shaw Boulevard Mandaluyong, Metro Manila.

May sangay ang ahensya sa Malate, Manila na matatagpuan sa 4 Ground Floor, FRC Building Pedro Gil St. Corner Taft Avenue, Malate, Manila at sa Cebu na nasa Room 311 Colon Dev’t. Comp. Bldg., 049-051 Osmeña, Blvd., Cebu City, Cebu.