Chavit Singson, magbabagsak-presyo kung mapipiling 3rd telco ang consortium niya

Mataas ang kumpiyansa ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit’ Singson na mananalo ang kanyang consortium sa bidding para sa 3rd telecommunications (telco) player slot at kapag nangyari iyon, sinabi nIya na makapagbibigay sila ng pinakamurang mobile services.

Imahe kuha sa video ng Rappler

Sa ulat ng Bilyonaryo, sinabi umano ni Singson na ang kanyang LCS Group of Companies, na nakipagsanib-pwersa sa TierOne Communications sa bidding sa 3rd telco slot, na kaya nilang gawing mas mababa ng 95% ang kanilang presyo.

Kung P100 ang presyo nila (Globe or Smart), kami P5 lang, “ sabi ni Singson.

“Dapat nga libre ang Wi-Fi,” dagdag pa niya.

Ani Singson, kaya nilang ibaba ang presyo at bigyan ng mobile services ang buong bansa dahil sa kanilang pakikipagsosyo sa isang operator ng broadband sattelites.

Imahe mula sa Bilyonaryo

“May cable and satellite kami. Kami lang ang magkakaroon ng full connectivity sa 7,100 islands (ng Pilipinas). Ang iba wala. Kami ang pinaka-qualified at kami lang ang may proposal na buong Pilipinas. walang zezerohin na remote island,” pagbibida ng dating gobernador.

At kung sakaling manaLo ang grupo ni Singson sa bidding para sa 3rd telco slot, sinabi niya na kaya nilang ibigay sa mga subscribers ang internet speed na hanggang 100 Megabytes per second (Mbps).

Ayon sa Department of Information and Communications Technology, sa ika-7 ng Nobyembre ay papangalanan na nila ang mapipiling 3rd telco player.

Iaahe mula sa GMA