SM Malls gagamit ng mga smart robot na magbibigay ng serbisyo sa mga customers

Maglulunsad ang SM Supermalls ng mga service robots sa lahat ng kanilang malls sa buong bansa na magbibigay ng serbisyo sa mga customers sa first quarter ng 2019.

Imahe mula sa Metro Manila Directions

Ang mga naturang robot na siyang kauna-unahang in-mall service robot sa bansa ay magbibigay sa mga customers ng direksiyon kung saan makikita ang isang tindahan sa loob ng mall at ng mga impormasyon tungkol sa latest mall-wide promos.

Itinuturing na isang major breakthrough, na tinatayang magbabago sa takbo ng sa retail industry sa Pilipinas, ang mga robot na tinawag na NERA (New Era AI Robotics).

Imahe mula sa Cal-Comp Technology Philippines, Inc.

Katuwang ng SM Supermalls sa naturang proyekto ang Cal-Comp Technology (Philippines), Inc., na kabilang sa New Kinpo Group; isang Taiwan-based electronic manufacturing company.

Ang SM Megamall sa Mandaluyong City ang unang mall na lalagyan ng NERA.

Ani SM Supermalls Chief Operating Officer Steven Tan, excited na sila na ibigay ang bago at masayang karanasan sa kanilang mga customers.

Ang NERA ay isang English-speaking robot, subalit ayon kay Cal-Comp Philippines Chief Executive Officer Simon Shen, sa tulong ng mga Filipino Engineers ay makakapag-Tagalog na rin ito.