Scarlet Snow Belo, cute na cute sa Charlie Chaplin Halloween costume

Cute na cute si Scaret Snow Belo, ang tatlong-taong gulang na unica hija ng celebrity doctors na sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, sa kanyang Halloween costume bilang ang iconic classic comedian na si Charlie Chaplin.

Imahe mula sa Instagram account ni Dr. Vicki Belo

Sa isang black and white na larawan na ibinahagi ni Dr. Vicki Belo sa kanyang Instagram account, makikita si Scarlet Snow na may hawak na tungkod at may bigote pa tulad ng tunay na Charlie Chaplin.

Ayon kay Dr. Vicki Belo, si Scarlet Snow mismo ang pumili ng kanyang costume na gagamitin sa trick or treat.

Kuwento ni Dr. Belo, noong nagtungo sila sa Vevey Nestle sa Switzerland, kung saan ginagawa ang paboritong gatas ni Scarlet Snow, ay tumuloy sila sa isang hotel na dedikado kay Charlie Chaplin. Doon nakita ng paslit ang isang rebulto ng komedyante at sinabing iyon ang gusto niyang costume para sa Halloween.

Imahe mula sa Facebook account ni Scarlet Snow Belo

Noong nakaraang taon, ilang Halloween parties din ang dinaluhan ni Scarlet Snow kung saan  iba-ibang magagandang costumes ang suot niya tulad nang sumali siya sa trick or treat sa isang mall suot ang Holly Golightly costume. Si Holly Golightly ang papel na ginampanan ng British actress na si Audrey Hepburn sa pelikulang “Breakfast at Tiffany’s” noong 1961.

Imahe mula sa Instagram account ni Scarlet Snow

Nakapagsuot na rin si Scarlet Snow ng mga Halloween costumes gaya ng angel, fairy, Belle ng Beauty and the Beast at bilang isang purple crayon.