Ex-mayor na nagpost sa Facebook ng pagluluto ng itlog ng pawikan, pinaiimbestigahan

Nahaharap sa imbestigasyon ang isang lokal na opisyal ng Zamboanga Sibugay matapos niyang ibahagi sa kanyang Facebook account ang pagluluto niya ng mga itlog ng pawikan.

Imahe mula sa PIA Western Mindanao

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nakilala ang nasabing opisyal bilang si Maria Esperanza Corazon Rillera, dating mayor ng Titay, Zamboanga Sibugay at kasalukuyang board member ng Sangguniang Panlalawigan.

Imahe mula sa Facebook page ng Pinoy Naturalist Journal

Sa post ni Rillera ay makikita ang ilang larawan kung saan hawak niya ang ilang piraso ng itlog ng pawikan at ang aktong pagprito niya sa isang itlog.

Sa caption ng larawan, sinabi ni Rillera ang mga katagang “so yummy turtle eggs” ma diumano ay galing sa Turtle islands sa Tawi-Tawi.

Imahe kuha sa video ng PIA Western Mindanao

Sa ngayon ay tila deactivated na ang Facebook account ni Rillera, subalit ang mga screenshots ng naturang post ay kumalat na sa social media.

Sa ulat ng Philippine Lifestyle News, sinabi umano ni Michael dela Cruz, ang officer in charge ng Provincial Environment and Natural Resources ng Zamboanga Sibugay, na inatasan sila ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa ginawa ni Rillera.

Ayon kay Mendoza, sinusubukan ng kanyang opisina na makausap si Rillera upang hingian ng paliwanag kung saan nito nakuha ang mga itlog ng pawikan. Dagdag pa niya, naghain ng reklamo ang isang indibidwal laban sa sa lokal na opisyal. Ang kopya ng naturang reklamo ay ipinadala na umano sa Manila head office ng DENR.

Sa ilalim ng Republic Act 9147 o the Act Providing for the Conservation and Protection of Wildlife Resources and their Habitats ay ipinagbabawal ang ginawa ni Rillera at maaari siyang magbayad ng multang hanggang isang milyong piso at pagkakabilanggo ng hanggang anim na taon.

Source :

PLN, ABS-CBN, Facebook