Bigtime rollback sa presyo ng gasolina, diesel ipinatupad

Ilang kumpanya na ng langis sa bansa ang nagpatupad ng malaking tapyas sa presyo ng gasolina at diesel dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado bunsod ng pagdami ng suplay nito.

Imahe mula sa Page One

Naunang nagbaba ng presyo ng gasolina ang Phoenix Petroleum at Clean Fuel nitong Sabado, ika-20 ng Oktubre 2018. Dalawang piso kada litro ang ibinaba ng presyo ng kanilang gasolina at  P0.90 naman kada litro ang ibinaba ng diesel.

Imahe kuha sa video ng GMA

 

Sa Linggo, Ika-21 ng Oktubre 2018, naman magpapatupad ng price rollback ang Unioil at Petro Gazz.

Inaasahan naman na susunod na magbababa ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang iba pang mga oil companies sa darating na Lunes, Ika-22 ng Oktubre.

Ayon sa GMA, ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, Petron Corp. at PTT Phlippines ay nagsabi na P1.85 kada litro ang ibababa ng kanilang gasolina at P0.90 din kada litro sa diesel.

Imahe mula sa Pinoy Money Talk

Bahagya nang makahihinga nang maluwag ang mga motorista dahil ito na ang ikalawang sunod na linggo na bumaba ang halaga ng gasolina at diesel matapos ang siyam na sunud-sunod na linggong oil price hike.

Dalangin natin, sana magpatuloy pa ang pagbaba.